Bilang paghahanda sa pagpasok ng panibagong tropical depression sa ating bansa, ipinag-utos ng Philippine Ports Authority (PPA) sa port management offices na paghandaan ito.
Una ng namataan ang panibagong sama ng panahon sa layong 1,345 kilometers silangan ng Eastern Visayas sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong umaga ng Biyernes na mayroong international name na tropical storm “Khanun”.
Ayon kay PPA General Maganer Jay Santiago, nais nitong ipatupad ang parehong preemptive measures na pinairal para sa nagdaang Super Tuphoon egay dahil nakatulong aniya ito para mabawasan ang epekto ng bagyo sa lahat ng pantalan na dinaanan ng bagyo.
Ayon pa sa ahensiya, minimal damage ang naiulat sa mga pantalan kabilang ang isang nabasag na glass panel door sa PMO Northern Luzon dahil sa malakas na hangin.
Matapos ang naging post-inspection sa mga pantalan, naging maganda ang assessment dahil maagang nakapaghanda ang mga pantalan sa bansa kung saan nakabiyahe na ang mga na-stranded na pasahero at nakatanggap rin ng tulong mula sa PPA, Manila local government social services department at Philippine Red Cross.
Nagbigay din ng free charging station, water refilling stations at hot meals para sa mga nastranded na pasahero ang PPA.