-- Advertisements --
Nakatakdang maglabas ang Philippine Ports Authority (PPA) ng bagong polisiya sa pagpapabilis ng proseso at ng maiwasan ang mga importers na gamitin ang ports bilang storage.
Sinabi ni PPA General Manager Jay Santiago, nakikipag-ugnayan sila sa Bureau of Customs (BOC) para matiyak na ang mga importers ay hindi naaantala ang paghahain ng kanilang importation entries.
Paglilinaw niya na ang nasabing mga pantalan sa ilalim ng kanilang pamamahala ay hindi ginawa para maging storage areas ng mga importers at ibang mga users dahil ito ay ginagawa para gumalaw ang
mga cargo.
Naobserbahan din ng opisyal na may ilang importers ang naghihintay pa ng ilang buwan para maghain ng import entries sa cargo kahit na ang mga produkto ay naibaba na sa pantalan.