-- Advertisements --

Naglagay ang Philippine Ports Authority ng mga digital touchscreens sa iba’t ibang pantalan sa layuning palakasin ang feedback system sa buong bansa.

Ito ay upang pagbutihin pa ang mga serbisyo sa mga kliyente at pasahero ng pantalan.

Sinabi ni PPA General Manager Jay Daniel Santiago na nakapag-set up na sila ng humigit-kumulang 128 digital monitors sa iba’t ibang port sa buong bansa sa ilalim ng Port User and Locator Satisfaction Outlook (PULSO) program.

Ang nasabing programa ay isang moderno, real-time at mahusay na sistema ng feedback ng customer.

Maaaring gamitin ng mga kliyente ang mga digital touchscreen upang magbigay ng agarang feedback kung sila ay nasiyahan sa mga natanggap na serbisyo.

Gayunpaman, sinabi ni Santiago na limitado ang naabot ng survey at ang bagong proyekto ng Port User and Locator Satisfaction Outlook (PULSO) program ay nangangako na sasakupin ang kasing dami ng mga user para sa feedback mechanism.

Ang set ng mga katanungan ay naka-batay sa guidelines ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) at sinabi ng opisyal na maaaring i-rate ng mga pasahero ang mga port services, shipping lines at iba pang service providers.

Dagdag dito, para sa mga hindi komportable sa paggamit ng mga digital monitor, maaaring ma-scan ang isang QR code na magdadala sa mga mobile user sa isang form ng feedback.

Una na rito, ang proyekto ng Port User and Locator Satisfaction Outlook (PULSO) program ay nagkakahalaga ng P83 milyon at kabilang dito ang digital monitors, applications at system maintenance and development.