Dahil sa posibleng pagdami ng mga kargamentong ipinapadala tuwing holiday season, pinayuhan ng Philippine Ports Authority ang publiko na agahan ang pagpapadala ng mga balikbayan box ngayong pasko at New Year.
Sa naging pahayag ni PPA General Manager Jay Santiago, sinabi nito na mas matatagalan ang pagdating ng mga ipinapadalang kargamento tuwing holiday rush.
Karaniwan aniyang umaabot lamang ng 45 days bago matanggap ang isang balikbayan box ngunit dahil sa holiday rush ay maaaring abutin pa ito ng buwan ng Pebrero sa susunod na taon.
Pinayuhan rin ni Santiago ang publiko na tangkilikin lamang ang mga lehitimong freight forwarders upang maayos na matanggap ng inyong mahal sa buhay ang mga padalang kargamento.
Upang maging mabilis ang proseso ay mas mainam na iwasan ang pagpapadala ng mga ipinagbabawal na gamit.