-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Philippine Ports Authority (PPA) ang mahigit na doble na kita nila sa unang tatlong buwan ng taon.

Mula Enero hanggang Marso ay nagtala sila ng P3.88 bilyon na net income.

Ito ay mas mataas kumpara sa P1.73 bilyon na kita noong nakaraang taon.

Isa sa mga naging susi sa pagtaas na kita ay dahil sa pinaigting nilang mga programa at pagpapaganda ng mga pantalan.

Nitong taon lamang kasi ay pumalo sa mahigit 78 milyon ang mga naitalang pasahero nila.

Target din ngayon ng PPA na magpatayo ng ilang mga first class na mga pantalan para makapanghikayat ng mga turista at mga manlalakbay.