-- Advertisements --

Positibong nakikita ng Philippine Ports Authority (PPA) na patuloy na lalago at lalakas ang cruise industry sa bansa ngayong taon matapos bumisita anga dalawang international cruise ship sa ilang mga pangunahing destinasyon sa Pilipinas nito lamang Enero.

Dumaong kasi sa Bohol ang Maltese-flagged cruise ship na MS Europa 2 na mayroong sakay na mahigit sa 400 na pasahero na ang karamihan ay mula sa Germany at ilang bahagi ng Europa.

Muli ring nagbalik ang MV Norwegian Sky sa Manila South Harbor nito lamang Enero 31 matapos ang naging pagdong at pagb isita nito noong Enero 17.

Sakay nito ang halos hindi bababa sa 2,000 mga pasahero na karamihan naman ay mga Pilipino.

Ayon sa pamunuan ng PPA, umabot na sa 142,574 ang cruise passenger arrivals noong nakaraang taon na 61.9% o higit na mas mataas kumpra noong taong 2023.

Target naman ngayon ng ahensya na umabot ito sa 180,000 na 29.8% na mas mataas sa nakaraang datos nitong 2024.

Sa ngayon naman ay patuloy na nagtatayo ng mga bagong cruise terminals ang PPA sa iba’t ibang bahagi ng bansa gaya sa Coron, Aklan, Camiguin, at Puerto Galera.