Inihayag ng Philippine Ports Authority na ang Pilipinas ang napiling maging venue para sa isang international conference hinggil sa Coastal and Port Engineering mula Oktubre 9 hanggang 13 ng kasalukuyang taon sa pamamagitan ng kanilang ahensya.
Ang 10th International Conference on Coastal Port Engineering in Developing Countries ay inorganisa ng Permanent International Association of Navigation Congresses katuwang ang PPA.
Layunin nitong makapagbigay ng international forum para sa mga engineers mula sa iba’t-ibang developing countries.
Ito rin ay magsisilbing venue upang magkaroon ng pagpapalitan ng mga karanasan at expertise na may kaugnayan sa Waterborne Transport Infrastructure development.
Nagpahayag naman ng taos pusong pasasalamat si PPA General Manager Jay Santiago dahil nabigyan ang kanilang ahensya ng oportunidad na pangunahan ang isang international event na mayroong ambag sa pagpapabuti sa mga ports infrastructure ng bansa .
Sasaklawin ng naturang conference ang lahat ng aspeto pagdating sa planning , construction at maintenance.