-- Advertisements --
Nais ng Philippine Ports Authority (PPA) na mapaganda ang serbisyo ng Pasig River System.
Sinabi ni PPA general manager Jay Santiago, na nagsumite na sila ng P800-milyon project proposal na tinawag nilang Pasig River Intermodal Transportation Project.
Aayusin nila ang nasabing ferry system sa Pasig River para maging alternatibong masakyan ng publiko dahil sa lumalalang trapiko sa Metro Manila.
Sa nasabing proyekto ay magkakaroon ng ferry service sa 18 terminals sa kahabaanng Pasig River.
Sa nasabing proyekto ay magiging 30 minuto na lamang ang biyahe mula Escolta, Manila patungong Pinagbuhatan sa lungsod ng Pasig.
Pagtitiyak naman ni Santiago na kapag naaprubahan na ang proyekto sa Marso ay maisasakatuparan na ito Disyembre.