Inilagay na ng Philippine Ports Authority (PPA) sa heightened alert ang lahat ng pantalan sa ating bansa, bago pa man ang inaasahang pag-uwi ng marami sa kani-kanilang lalawigan para sa All Souls at All Saints’ Day.
Paiiralin ito ng PPA hanggang Nobyembre 10, 2019.
Ayon kay PPA General Manager Jay Daniel Santiago, layunin ng kanilang hakbang na matugunan ang maraming pasahero, matiyak ang kaayusan ng mga pier at sasakyang pandagat.
Sa ganitong panahon, hindi muna papayagan ang vacation leave ng mga tauhan ng PPA at regular ding makikipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng pamahalaan para sa epektibong implementasyon ng mga panuntunan sa ganitong panahon.
Batay sa record, tuwing panahon ng undas ay nadadagdagan ng 30 porsyento ang mga pasahero sa Batangas, Mindoro, Bicol, Surigao, Iloilo, Dumaguete at iba pang pantalan.