Inaasahan na ng Philippine Ports Authority (PPA) na nakahanda na ang mga pantalan sa bansa para sa inaasahang dagsa ng mga pasahero sa darating na Semana Santa.
Sa isang pahayag ay siniguro ng kanilang pamunuan na handa, malinis at ligtas ang mga pantalan para sa mga mananakay na babyahe sa mga araw na ito.
Kasunod nito ay nagsagawa na ng pauna at inisyal na inspeksyon ang PPA sa mga pantalan sa pangunguna ng PMO-NCR North sa pangunguna ni Port Manager Jenneliza Rebong para sa mas maginhawa at hassle free na byahe ng mga pasahero.
Samantala, kaugnay nito ay inilabas ang Special Order no. 19-2025 OPLAN BIYAHENG AYOS kung saan sa ilalim nito ay ipapatupad na ang heightened alert status sa mga pantalan para mapanatili ang mahigpit na seguridad at sapat na manpower para sa mabilis na pagaksyon sa mga pangangailangan ng mga pasahero.