Inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapanatili sa mga election watchdogs na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) and National Movement for Free Elections (Namfrel) bilang maging kanilang citizen’s arms para sa 2025 National and Local Elections.
Nakasaad sa resolution na naging masusi ang kanilang ginawang pag-aaral kung saan naging malaking tulong ang PPCRV at Namfrel para mapanatili ang mapayapang halalan.
Pinagsusumite na rin ng COMELEC ang dalawang watchdogs ng kumpletong listahan ng kanilang opisyal mula national hanggang provincial.
Kasama rin na dapat isumite nila ang komprohensibong plano at ilang aktibidad na may kinalaman sa 2025 elections.
Ganun din na isasama ang mga accomplishment at rekomendasyon.
Sakaling bigong maisumite ang mga hiling na ito ng COMELEC ay ipagwawalang bisa ang kanilang kapangyarihang ibinigay sa kanila bilang watchdog.