-- Advertisements --
ppcrv myla villanueva

Kinumpirma ni Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Chairperson Myla Villanueva na natanggap na nila ang transparency server logs mula sa Commision on Elections.

Kung saan nasaksihan umano ang pag-transfer na ito nina dating PPCRV chair Ambassador Tita De Villa at board member Doc. William Yu.

Ayon kay Villanueva, kasalukuyan na nilang sinisiyasat kung bakit bigla na lamang natigil ang pag-transmit ng mga datos mula sa Vote Counting Machine noong mismong araw ng halalan.

Sa kabila nito ay humingi naman ng pang-unawa si Villanueva dahil sa mabagal na usad ng resulta sa katatapos lamang na 2019 midterm elections.

Sa ngayon ay umabot na sa 26,800 election returns ang kanilang naba-validate.

Ito ay may katumbas na 30.61% ng kabuuang clustered precincts.

Ang mga election returns na natanggap ng PPCRV ay nagmula sa Lingayen, Tarlac, Kalibo, Cagayan De Oro at Pangasinan. Inaasahan naman na madadagdagan pa ang mga ERs na matatanggap nila ngayong gabi.