-- Advertisements --

Ikinalungkot ng Parish Pastoral Council on Responsible Voting (PPCRV) ang pagpanaw ni industrialist and National Citizens Movement for Free Elections (Namfrel) co-founder Jose “Joecon” Concepcion Jr sa edad na 92.

Ang PPCRV kasi at Namfrel ay magkatuwang at nagsisilbing citizens’ arms sa halalan sa bansa.

Ayon sa PPCRV na maiiwan nito ang legasiya ng pagbabantay ng boto at ng accuracy ng botohan sa bansa.

Bago kasi naging co-founder ng Namfrel ay nagsilbi si Concepcion bilang Trade and Industry secretary ni dating Pangulong Corazon Aquino.