Nagpaliwanag ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) kung bakit tipid ang kanilang hanay sa pagbibigay ng datos at update sa nagpapatuloy na unofficial count ng PPCRV-KBP.
Ayon kay PPCRV chairperson Myla Villanueva, iniiwasan nila na mabahiran ng pulitika ang ginagawa nilang parallel transparency count bilang non-partisan organization.
Sa ngayon nasa 10-porsyento na raw ng pisikal na election returns ang kanilang natanggap at na-encode mula sa mga polling precincts na nagpadala ng mga ito.
Ani Villanueva, natatagalan lang ang transmission ng ERs dahil manual hindi gaya ng nasa transparency server.
Samantala, hinihintay pa rin daw ng PPCRV ang tugon ng Commission on Elections sa kanilang hiling na maglabas ng kopya ng logs bago nangyari ang technical glitch noong Lunes, gayundin na makita nila ang datos ng Comelec Central Server.