Pinayuhan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang Commission on Elections (Comelec) na ikonsidera ang posibilidad na i-improve ang sistema ng halalan sa bansa.
Ito’y kasunod ng mga aberya na naranasan noong Lunes gaya ng mga pumalyang vote counting machines at delay sa release ng unofficial results ng transparency server.
Hindi sinang-ayunan ni PPCRV chair Myla Villanueva ang mga panukalang ibalik sa manual counting ang canvassing, gayundin na paso na raw ang kasalukuyang electronic transmission dahil sa mga naitalang aberya.
Sa ngayon hihintayin pa rin daw muna ng PPCRV na maglabas ng resolusyon ang Comelec bago sila magbigay ng komento o assessment sa kabuuan ng halalan.
Kasabay nito ay patuloy din ang kanilang pagtanggap sa election returns ng polling precincts para naman sa parallel count.