Binigyang-diin ng poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na walang dapat na ikabahala ukol sa natuklasan nilang discrepancy sa dalawang manually encoded na election returns na ikinumpara sa resulta ng transparency server.
Sinabi ni PPCRV Media Director Agnes Gervacio, kanila pang isinasailalim sa rechecking ang dalawang mga balota mula sa dalawang magkahiwalay na election returns na hindi nagtugma sa data ng transparency server.
“I don’t think that’s a cause of concern at this point because we’re rechecking all over again,†wika ni Gervacio.
“It does not have any impact,†dagdag nito.
Hindi naman ibinulgar ni Gervacio kung saan nanggaling ang mga balota dahil sa nagpapatuloy na beripikasyon.
Ani Gervacio, sa oras na maberipika na nila ang mga discrepancies ay agad nila itong iuulat sa Commission on Elections (Comelec).