-- Advertisements --

Target ngayon ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na makapagparehistro at makapagpakalat ng nasa 450,000 na volunteers sa mga polling precints at canvassing centers sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para sa Mid-term elections sa susunod na taon.

Sinabi ni Ana Singson, ang national communications director ng PPCRV, na noong 2022 ay mayroon na silang 450,000 card-bearing members.

Magsisimula sila ng mobilization sa mga susunod na araw at umaasa itong madadagdagan pa ang nasabing bilang.

Tiniyak naman nito na ang mga kukunin nilang volunteers ay mga non-partisan at walang mga iniindorsong kandidato.

Ang PPCRV kasi ay siyang accredited na citizen’s arm ng Commission on Election (COMELEC) tuwing halalan.