Tiwala ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na hindi makakaapekto sa integridad ng halalan ang mga ibinabatong akusasyon laban sa mga opisyal ng poll body.
Ayon kay PPCRV national coordinator Dr. Arwin Serrano sa panayam ng Bombo Radyo, maraming ulit na nilang narinig ang paliwanag ng mga opisyal ng komisyon kaya nananatili ang kanilang tiwala sa nasabing tanggapan.
Giit ni Serrano, maraming oras na ang nagugol sa pagsagot sa batikos kaya panahon na ngayong ng puspusang trabaho para sa ikatatagumpay ng halalan.
Naobserbahan din umano nila ang mga pagsisikap ng poll officials na maprotektahan ang institusyon, kaya bilang citizen’s arm, gagawin nila ang lahat para matiyak ang malinis na 2025 Midterm Elections.
Sa ngayon, nangangalap na umano sila ng dagdag na volunteers para makasama sa pag-alalay sa mga botante, hanggang sa malalayong lalawigan.