-- Advertisements --
Umaasa ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na matatanggap na nila ngayong araw ang 100% ng mga transmitted votes mula sa transparency server.
Ayon kay PPCRV media director Agnes Gervacio, inaasahan nilang darating na sa kanilang command center ang natitira pang mga election returns galing sa ibang mga rehiyon, partikular sa Northern Luzon.
Samantala, natanggap na rin daw nila ang 5% ng mga physical election returns.
Ito umano ay galing sa National Capital Region, partikular sa Maynila, Makati, Pasay, at San Juan.
Sa ngayon, nakuha na nila ang mga resulta sa 82,654 clustered precincts, mula sa kabuuang 85,769.