-- Advertisements --
Kinumpirma ni Alaska Gov. Mike Dunleavy na natanggap na ng kaniyang estado ang ipinadalang mga personal protective equipment (PPE) ng China.
Hindi naman sinabi ni Dunleavy kung magkano ang inabot nilang gastos para sa shipment.
“It was a large shipment, should last us about six months, which is, it is actually great news for us because again we are gearing up in the event that we get more cases,” wika ng gobernador.
Nakatakda umanong hati-hatiin ang mga PPEs para siguraduhing bawat ospital sa Alaskay ay mabibigyan nito.
Sa kasalukuyan ay nakapagtala na ang naturang estado ng halos 370 coronavirus case at 9 na nasawi.