Binigyang diin ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na ang paglagda sa batas ng Public-Private Partnership (PPP) Code of the Philippines ay lilikha ng mas matatag na kapaligiran ng patakaran para sa mga proyektong pang-imprastraktura.
Aniya, ang PPP Code ay magbibigay-daan sa kinakailangang pag-unlad sa iba’t ibang sektor at mapabilis ang paghahatid ng mga serbisyong pampubliko na kinakailangan para sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Sa pagpapatupad nito, maaaring gamitin ng gobyerno ang mga PPP para tustusan ang mga priority programs gaya ng Infrastructure Flagship Projects (IFPs) ng Administrasyong Marcos at maging ang social infrastructure sa sektor ng edukasyon at kalusugan.
Layunin din ng code na palakasin at i-institutionalize ang mga PPP sa bansa.
Magbibigay ito ng pinag-isang legal na balangkas para sa lahat ng PPP sa pambansa at lokal na antas.
Sinasaklaw ng legal framewoek na ito ang lahat ng uri ng pagsasaayos, gaya ng mga variant ng build-operate-transfer (BOT), joint venture, at mga kasunduan sa toll operations.