-- Advertisements --

Inilipat pansamantala ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang kanila opisina sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavillon para sa Mayo 9 elections.

Ayon sa PPCRV na layon nito ay para magkaroon sila ng medyo maluwag ng lugar kumpara sa kasalukuyan nilang opisina sa Pope Pius XII Catholic Center sa Paco, Maynila.

Sinabi ni PPCRV chairperson emeritus Henrietta de Villa na sa UST ay mas maluwag ang lugar at kayang maipatupad ang social distancing.

Halos lahat aniya ng mga namumuno ay nagkaisa na sa UST na lamang ganapin ito.