Tiniyak ng Philippine Reclamation Authority na nakahanda sila anumang oras na idepensa ang Manila Bay Reclamation matapos na ituro ito ng ibang grupo na naging dahilan umano ng malawakang pagbaha sa Metro Manila.
Sa naging pahayag ni PRA Assistant General Manager, Atty. Joseph Literal, nananatiling positibo ang kanilang pananaw sa naturang pagsisiyasat ng mababang kapulungan ng kongreso hinggil sa nasabing usapin.
Layon ng isinasagawang imbestigasyon ng kamara na kasalukuyang legislation at batas na may kinalaman sa reclamation at development ng Manila Bay.
Ipapaliwanag rin nito ang katotohanan na nakabatay sa siyensya ng sa gayon at masiguro ang sustainable development sa pamamagitan ng mga ganitong na proyekto ng gobyerno.
Una rito ay naghain ng isang resolusyon ang Kabataan Partylist sa mababang kapulungan ng kongreso upang silipin ang posibpeng pananagutan ng mga reclamation projects sa naganap na malawakang pagbaha sa NCR dahil sa nagdaang bagyong Carina.