Mistulang “business as usual” lamang ang Gilas Pilipinas sa kanilang pagsasanay sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
Ito ay kahit kanselado na ang hosting ng Pilipinas sa third window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers dahil sa umiiral na travel ban.
Ayon kay SBP president Al Panlilio, hinihintay lamang nila ang mensahe mula sa panig ng FIBA upang mabigyan sila ng indikasyon kung ano ang mga posibleng mangyari.
“At this point, we continue practicing,” ani Panlilio.
“The February window can still happen,” giit nito. “We’re waiting for FIBA, in the next few days or the next week, to give us an indication of what’s going to happen. We are hopeful that we can find a solution.”
“FIBA is doing its best to look for another location where we could play the games.”
Kung maaalala, maliban sa Pilipinas, umatras na rin sa ang Japan sa pag-host ng mga laro ng Group B, at kaagad namang nag-alok ang Qatar Basketball Federation na sa Doha na lamang gawin ang mga games.
Umaasa si Panlilio na may ibang bansang sasalo sa dapat sana’y hosting ng Pilipinas.
“FIBA and the entire international basketball community as a whole has been heavily impacted by the effects of the pandemic but we’re all working to find ways to push through with the games,” saad ni Panlilio.