Nais ni Senador Lito Lapid na maitakda ang praktikal at pantay-pantay na patakaran sa BPO industry para mabigyan ng sapat na proteksyon ang mga manggagawa.
Ayon kay Lapid, lumawak at nagkaroon ng paglago ang naitala ng BPO industry sa bansa sa nakalipas na dalawang dekada kaya naman nararapat lamang na bigyan sila ng proteksyon.
Pagdating kasi sa BPO sector lumilitaw aniya na ang bansa ang nagunguna dahil sa pagiging mahusay at magiliw ng mga Pinoy kumpara sa mga maunlad na mga bansa.
Bukod pa rito, kilala ang mga Pinoy na matataas sa Ingles kaya naman mas pinipili ng BPO companies sa kanilang voice-based services gaya ng customer support at tele marketing.
Hirit din ni Lapid sa kanyang panukalang bataa ang regularization ng BPO workers at patatagin ang karapatan nila sa “self-organization” at lumahok sa “democratic exercises” at iba pa.
Sakaling ganap na maging batas, maaaring patawan ng parusa ang sinumang tao o kumpanya na lalabag sa mga probisyon nito, tulad ng pagbabayad ng P100,000 o pagkabilanggo ng hindi bababa sa 2 taon at hindi lalagpas ng higit sa isang taon o depende sa hatol ng korte.