Ipinagpaliban ng Philippine Football Federation (PFF) ang kanlang training sessions ng Philippine Football League (PFL) clubs.
Ito ay matapos ang pagsasailalim muli sa modified enhance community quarantine (MECQ) sa Metro Manila.
Dahil dito ay gaganapin na lamang ang pagsasanay sa ikatlong linggo ng Agosto sa PFF National Training Center sa Carmona, Cavite.
Una kasing pinayagan ang football federation ng bansa na magsagawa ng training matapos ilabas ang joint administrative order.
Nagsagawa rin ng adjustment ang Philippine Basketball Association (PBA) sa kanilang pagsasanay dahil rin sa muling paglalagay ng sa MECQ sa Metro Manila.
Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, dapat sana sa Agosto 6 na sila magsisimula ng training subalit dahil sa pangyayari ay ipagpapaliban nila ito ng 10 araw.
Nakatakda rin kasi sa nasabing petsa ang pagsasailalim sa swab testing ng mga manlalaro sa Makati Medical Center para matiyak na ligtas na silang makabalik sa pagsasanay.
Magugunitang noong Marso ay itinigila ang mga laro dahil sa coronavirus pandemic.