-- Advertisements --

BAGUIO CITY—Posible na masuspinde at makansela ang prangkisa ng dalawang kompanya ng mga bus na kasama sa aksidente sa national road sa Bisibisan, Barangay Supang, Sabangan, Mountain Province.

Ayon kay Engr. Robert Allan Santiago, regional director ng Department of Transportation (DOTr) – Cordillera, ang suspension ay magdedepende sa resulta ng imbestigasyon ng ahensya.

Sinabi niya na inutos niya ang pag-imbestiga ni Atty. Jessie Balagot mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) – Cordillera sa kaso at sa paglalabas nila ng ‘show cause order’ sa dalawang kompanya ng bus.

Maalalang halos 27 na katao ang sugatan pagkatapos ng pagbunggo ng pampasahero na bus na Rising Sun na minamaneho ni Dave Bangcado at panpasaherong bus ng GL Trans na minamaneho ni Blester Bing-il noong Mayo 24, 2019.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya n papunta ang bus ng GL Trans sa Besao ng biglang nadulas ang gulong nito at sinakop ang kabilang linya ng kalsada at doon niya binunggo ang bus ng Rising Sun na papuntang Sabangan , Mt Province.

Dagdag ni Santiago na kung malalaman na mayroong problema sa isa sa mga kompanya o sa mismong dalawang kompanya ay posible na masuspinde ang prangkisa ng mga ito.