Muling pinalawig ng Land transportation Franchising and regulatory Board ang prangkisa ng mga tradisyunal na Jeep hanggang December 31, 2023.
Ito ang kinumpirma ni LTFRB Chair Teofilo Guadiz III matapos ang kanilang pagpupulong kasama ang iba’t ibang transport group ngayong araw.
Una rito,nagbanta na rin ang ilang transport group ng mangyayaring tigil pasada sa loob ng isang linggo at inaasahang libo-libong commuter ang maapektuhan.
Ayon kay and Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Teofilo Guadiz III, Layunin ng kanilang ahensya na mabigyan ng pagkakataon ang mga driver at operator na sumali o bumuo ng kooperatiba o korporasyon para sa Public Utility Vehicle modernization program ng pamahalaan, ito rin aniya ay para malaman ng ibang transport group na bukas ang kanilang ahensya sa pakikipagusap bago ang planong transport strike.
Samantala, nasa humigit-kumulang 61 percent ng mga jeepney driver at 72 percent ng UV express driver ang inaasahan pa rin ng ahensya na susunod sa modernization program.
Sa ngayon, hinahanda na ng ahensya ang panibagong memorandum circular dahil na rin sa pagbabago ng petsa ng palugit sa mga prangkisa ng Jeepney.