Tuluyan na umanong mawawalan ng prangkisa ang mga public utility vehicles na sa pagsapit ng Pebrero uno sa susunod na buwan.
Idedeklara nang “kolorum” ang mga jeep na bigong tumalima sa consolidation sa mga kooperatiba o korporasyon.
Ito ay alinsunod na rin sa Public Utility Vehicle Modernization Program ng pamahalaan.
Ayon kay Andy Ortega na maari pa rin namang sumali sa ibang kooperatiba ang PUV drivers at operators na nabigong mag-consolidated o mag-apply para sa consolidation.
Una nang nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itutuloy na ang PUV modernization program dahil marami ng operators ang nakapag-consolidate na umakyat na sa kasalukuyan sa 76%.
Ito’y sa kabila ng panibagong anunsiyo ng ilang grupo ng transportasyon na kilos-protesta na aarangkada bukas.