Pinapalawig na ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board o (LTFRB) ang validity ng provisional authority o prangkisa ng mga tradisyunal na jeepney para matiyak na walang maiiwan sa mga jeepney o operator man.
Sa gitna ng pinal na deliberasyon ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) nakahilig na ang board sa pagpapalawig ng validity ng provisional authority o prangkisa ng mga tradisyunal na jeepney sa ikaapat at huling pagkakataon.
Ayon kay Atty. Teofilo Guadiz III ang Chairman ng Land transportation franchising and regulatory board hindi pa nila naisapinal ang mga detalye hinggil sa rules and regulations na mamamahala sa extension ,basta simpleng nagkasundo ang Board na nagbigay ng panibagong extension sa prangkisa sa traditional jeepneys at pagaaralan pa kung hanggang kelan ang validity ng extension.
Dagdag pa ni Land transportation franchising and regulatory board chairman Teofilo Guadiz III, na ang target na bilang ng yunit na ilalahok sa modernisasyon ay nasa 60% na sumailalim sa Public Utility Vehicle Modernization Program o PUVMP habang 40% naman ang hinihintay na makalahok sa programa.
Paguusapan pa umano ng kanilang ahensya kung may mga area na fully modernized na at maisipan na doon nalang ilatag ang full modernization.
Bukod sa hindi pa handa ang lahat ng mga jeep na maging modernisado , dapat pa rin umano isa-alang alang ang problema sa sektor ng transportasyon, kabilang pa rin diyan ang kakulangan sa mga pampublikong sasakyan na matutugunan kung sakaling palawigin pa ang bisa ng mga prangkisa ng mga tradisyunal na jeepney, bukod dito nais din ng ahensya na maging balanse at matiyak na walang operator o tsuper na maiiwan kaya nagbigay pa sila ng palugit sa pagtalima sa mga regulasyon sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program.