-- Advertisements --
Inaprubahan na ng Senado ang prangkisa ng DITO Telecommunity.
Dahil dito ay pinapayagan ang nasabing kompaniya na mag-operate sa loob ng 25 taon.
Labing pitong senador ang bomoto para sa pagbibigay ng prangkisa.
Hindi naman pumabor sina Senator Risa Hontiveros at Francis Pangilinan at nag-abstain naman si Senator Panfilo Lacson.
Sinabi Pangilinan na kaya siya bomoto laban sa kompaniya ay dahil sa security concerns.
Paliwanag naman ni Senator Grace Poe ang Senate chair ng Committee on Public Services na ang pagpasok ng DITO ay para magkaroon ng murang internet at mobile services sa bansa.