-- Advertisements --

Naglabas na rin ng statement ang board of governors ng Philippine Red Cross (PRC) upang ipagtanggol si PRC chairman at Sen. Richard Gordon mula sa mga pagpuna ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa statement ang PRC bilang isang “non-governmental organization, independent at voluntary” ay walang regular na pondo na nagmumula sa gobyerno.

PRC statement audit

Kung nabibigyan man umano ang PRC ng DOH, BSP at PCSO na pondo ito ay donasyon lamang at maliit lamang na bahagi mula sa nalilikom na pondo sa international partners ng ng Red Cross tulad ng Red Cresent Societes, at mga tulong na donasyon ng mga korporasyon at iba pang mga individual.

Binigyang diin ng PRC na bago pa man lumala ang pandemya ay mabilis na kumilos ang kanilang liderato upang makatulong sa pagtatayo ng mga molecular laboratories para sa RT-PRCR tests.

Noong wala pa raw masyado na naitatayong mga COVID testing centers umabot pa raw sa 45% ang nanggagaling sa PRC kaya naman sila ang naturingan na pinakamalaking testing center sa buong bansa.

Sa ngayon meron na silang naisailalim sa 4 million na na-test.

Kung tutuusin daw ang trabahong ito ay dapat sa gobyerenon pero tumutulong ang PRC upang punan ito sa kabila ng pagkakautang PhilHealth na umabot sa P800,000.

Tinukoy din ng PRC ang naitutulong nila ng hanggang 50% ng national blood requirement sa kanilang mga blood bank at iba pang mga serbisyo sa panahon ng kalamidad.

Una nang nilinaw ng COA na hindi nila maaring i-audit ang PRC taliwas sa utos ng Pangulong Duterte dahil hindi naman ito ahensiya ng gobyerno.