-- Advertisements --
Hinikayat ng Philippine Red Cross (PRC) ang mga paaralan na isulong ang boluntarismo sa kabataan, lalo na sa mga panahon ng sakuna at iba pang kaganapan.
Sa 17th annual 17th annual Commission on Accreditation for Local Colleges and Universities (ALCUCOA) National Conference, binigyang-diin ni PRC Secretary General Dr. Gwen Pang ang papel ng mga paaralan sa paghubog ng mga volunteers.
Ibinahagi niya ang kaniyang karanasan bilang Red Cross Youth volunteer at hinikayat ang pakikipagtulungan ng mga paaralan sa PRC para sa mga programa ng boluntarismo.
Sinabi rin ni PRC Chairman Richard Gordon na mahalaga ang boluntarismo upang mapaunlad ang kabataan at ang kanilang pagnanais na maglingkod para sa isang adhikain.