Nanawagan ang Philippine Red Cross (PRC) sa publiko na maging “blood donors” ngayong kapaskuhan.
Ito ay dahil ang mga tao ay madaling maaksidente at magkasakit dahil sa pabago bagong panahon ngayong buwan ng Disyembre.
Ayon kay PRC Chairman at Chief Executive Officer (CEO) Richard Gordon, ngayong kapaskuhan mas marami sa mga kababayan nating mga Pilipino ang mangangailangan ng dugo.
Ang isang unit ng dugo ay maaaring maging isang lifeline para sa ilang tao o mga indibidwal.
Higit pa rito, binigyang-diin naman ni PRC Secretary-General Dr. Gwen Pang ang mga medical benefits ng donasyon ng dugo, kabilang ang pinababang panganib ng mga sakit sa puso at atay, potensyal na pag-iwas sa cancer, pagbuo ng bagong blood cell generation, at maging ang pagbabawas ng cholesterol.
Nanawagan si Dr. Pang sa publiko na ipalaganap ang diwa ng pagmamahal ngayong Pasko sa pamamagitan ng pagbibigay ng dugo.