Nagpahayag ng kahandaan ang Philippine Red Cross (PRC) sa pagbibigay ng kaukulang tulong sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) na naaapektuhan ng kaguluhan sa Lebanon.
Patuloy kasi ang malawakang airstrike na isinasagawa ng Israel sa naturang bansa.
Nagresulta na rin ito sa pagkaka displaced ng mahigit 1.2 million na mga indibidwal.
Sa isang pahayag, sinabi ni PRC Chairperson Richard Gordon, tutugon sila sa pangangailangan ng mga OFW doon.
Tutulong rin sila sa mga Pinoy na gustong lumikas at makabalik ng bansa.
Giit pa ni Gordon na ang international humanitarian law ay mahalaga upang masiguro ang kapakanan ng mga sibilyan doon.
Kabilang ang kapakanan ng mga kabataan, medical workers, at humanitarian personnel dahil sa hindi matapos-tapos na tensyon .