Muling nagsagawa ang pamunuan ng Philippine Red Cross ng simultaneous mass blood donation sa iba’t-ibang bahagi ng bansa bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Heroes Day kahapon.
Sa naging pahayag ni PRC Chairperson at CEO Richard Gordon, layon ng aktibidad na ito na ipakita ang diwa ng pagkamakabayan.
Ito aniya ay magsisilbing inspirasyon sa mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay o pag donate ng dugo.
Pangunahing layunin ng kakbang na ito na makakolekta ng maraming dugo dahil sa pagtaas ng mga pasyenteng tinamaan ng dengue sa bansa.
Samantala, nakatuwang ng PRC sa nasabing aktibidad ang Philippine Army .
Isinagawa ito sa 24 na lugar sa buong Pilipinas na dinaluhan naman ng ibat-ibang donor.
Kabilang sa mga natukoy na lugar ang ang Mandaluyong, Rizal, Pasig, Makati, Malabon, Laguna, Palawan, Sorsogon, Antique, Davao Oriental, South Cotabato, General Santos, Batanes, Batangas, Baguio, Cagayan, Zamboanga del Sur; at maging sa Iloilo.