-- Advertisements --

Nagkaloob ang Philippine Red Cross (PRC), sa pakikipagtulungan sa International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies (IFRC) ng humigit-kumulang P38.4 milyon na tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng Super Typhoon Carina.

Kabilang dito ang P17.4 milyon na inilaan para sa tulong pangkabuhayan sa mahigit 1,000 benepisyaryo sa Tarlac at Bulacan.

Ang Household Livelihood Assistance Project, na magtatagal mula Setyembre 2024 hanggang Pebrero 2025, ay sumusuporta sa mga pamilya sa muling pagtatayo ng kanilang mga kabuhayan.

Nagbigay din ang PRC ng mga pagkain at iba pang tulong sa personal na pag-abot ni PRC Chairman Richard Gordon.

Mayroon ding mga hygiene kits, school kits, at serbisyong pangkalusugan.

Ang mga pagsisikap ng PRC ay nagpapatuloy anim na buwan pagkatapos ng Bagyong Carina, na nagpapakita ng patuloy na pangako sa mga apektadong komunidad.

“It’s been six months since Super Typhoon Carina made landfall in July last year, yet we’re still helping those affected communities in Tarlac and Bulacan. The Red Cross has not forgotten them. With this cash assistance, we hope to give a helping hand to families as they rebuild their means of income. With our volunteers integrated in every barangay nationwide, we are able to support their recovery every step of the way,” wika ni Gordon.

Para naman kay PRC Secretary General Dr. Gwen Pang, mananatili ang kanilang monitoring para patuloy na makatulong sa nasabing mga residente.

“In 2024 alone, the Red Cross has actively assisted families and communities during and after 15 typhoons that have hit the country. We have been continuing in our efforts to provide them with food, clean water, shelter, clothing, and livelihood assistance. With the help of the IFRC and the support of the public, we will continue our relief operations to save many more Filipinos,” wika ni Pang.