Binigyang diin ng Philippine Red Cross (PRC) na pinalalakas nito ang mga kakayahan sa pagtugon para sa hinaharap na mga pagtitipon matapos na matagumpay na tumulong sa mga deboto sa panahon ng Traslacion 2024 procession.
Ayon kay PRC Chairman at Chief Executive Officer (CEO) Richard “Dick” Gordon, trabaho nila na masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Kasabay nito ay inihayag niya ang matinding paghahanda ng organisasyon para sa iba pang taunang kaganapan.
Matatandaang nagtalaga ang PRC ng mahigit isang libong trained volunteers, kabilang ang mga volunteer doctors, nurse, Emergency Response Unit (ERU), Emergency Medical Teams (EMS).
Dahil dito, pinuri ni Gordon ang kanilang mga pagsisikap at nanawagan na ilapat ang mga aralin na ito sa mga operasyon sa hinaharap na mga kaganapan
Itinuro niya na ang tagumpay na ito ay hindi magiging posible kung wala ang lahat ng kanilang tauhan.
Una nang iginiit ng PRC na mas mabuti nang “over prepare” kaysa maging underprepared.