Inilabas na ng Philippine Red Cross (PRC) ang ilang safety tips para sa mga debotong lalahok sa Traslacion ng Itim na Nazareno bukas, Enero 9.
Panawagan ng PRC sa publiko na maging alerto sa lahat ng oras upang matiyak ang kanilang kaligtasan sa kasagsagan ng prusisyon .
Nakasaad sa safety tip ng Red Cross, mas mainam na magsuot pa rin ng facemask at lumayo sa kumpulan ng mga tao.
Ugaliin rin na mag sanitize at gumamit ng alcohol.
Magsuot rin ng mas komportableng damit at siguraduhing magdala ng sariling medicine kit.
Kaugnay nito, pinaiiwasan rin ng Red Cross sa mga deboto ang pagdadala ng mga hindi importanteng gamit para hindi mawala sa kasagsagan ng Traslacion.
Pinayuhan rin nito ang publiko na kaagad na makipag ugnayan sa pinakamalapit nilang First Aid station sakaling mangailangan sila ng atensyong medikal.