-- Advertisements --
Namahagi ng tulong ang Philippine Red Cross sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Mt. Kanlaon sa Negros Occidental at Negros Oriental.
Nakatanggap ang nasa 250 indibidwal na nasa evacuation ng center ng pagkain, tubig, at iba pang pangunahing pangangailangan.
Bukod pa rito, ay may ibibigay rin na psychosocial support at mamamahagi rin sila ng N95 masks sa regional health unit ng Negros Oriental.
Kasabay nito, naglagay rin ang PRC ng first aid at welfare stations sa mga evacuation center sa La Castellana at La Carlota.
Ayon kay PRC Chairman at CEO Richard Gordon, hindi titigil ang PRC sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad hanggang sa makabangon ang mga ito at maibalik sa normal ang sitwayson sa lugar.