Patuloy na naghahanda ang Philippine Red Cross (PRC) at mga Chapter nito dahil sa pagresponde kung mananatili ang malakas na pag-ulan na pinalalakas ng habagat.
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, ang Philippine Red Cross ay isinasabuhay ang 4Ps o Predict, Plan, Prepare, and Practice.
Ang kanila umanong Operation Centers ay sinusubaybayan ang masamang lagay ng panahon 24/7, habang inihahanda ng local chapters ang kanilang mga assets para sa mga posibleng rescue operations.
Aniya, nagtatrabaho sila nang walang tigil upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at maging ng kanilang mga tauhan.
Kaya naman, nanawagan si PRC Secretary General Dr, Gwendolyn Pang na maging vigilant at alerto sa lugar na inyong kinaroroonan.
Sa Red Cross, itinataguyod umano nila ang kahalagahan ng go-bag na madadala kapag may sakuna at kalamidad.
Malaking tulong ang aniya ang kahandaan para sa ating kaligtasan.