Tuloy-tuloy ang pagpapaabot ng tulong ng Philippine Red Cross sa mga residenteng naapektuhan ng pag-aalburuto ng bulkang Kanlaon.
Ayon sa grupo, umabot na sa mahigit 3,600 litro ng malinis na tubig ang kanilang na distribute sa mga higit apat na daang apektadong residente sa La Castellana.
Maliban dito ay nagmimigay rin ang PRC ng mainit na pagkain sa mahigit 2800 na mga individual kasabay na rin ang hygiene promotion.
Ayon kay PRC Chairman at CEO Richard Gordon, nananatili silang nakatuon sa kaligtasan ng mga lumikas pati na sa kanilang mga kalusugan.
Tiniyak rin nito na kanilang sinisikap na madala ang malinis na inuming tubig sa mga nangangailangan na residente sa lugar.
Wala ring patid ang kanilang pakikipag coordinate sa mga LGU upang maging maayos ang distribution ng kanilang tulong.