Ang Philippine Red Cross (PRC) ay tumulong sa 3,792 indibidwal sa kanilang Holy Week Operations 2025, kung saan 3,508 ang sumailalim sa vital signs monitoring, 269 ang ginamot sa minor cases, 8 ang classified na major cases, at 7 ang dinala sa mga pasilidad medikal.
Nagbigay rin ng welfare assistance sa 295 tao kabilang ang psychological support, referrals at libreng tawag.
Ang mga minor cases ay kinabibilangan ng sugat, pananakit ng tiyan, kagat ng insekto, pagkahilo, panghihina, at iba pang kondisyon tulad ng pagduduwal at pamamaga.
Habang sa major cases ay kombinasyon ng pamamanhid na may pagkahilo, maraming sugat, at dislocation.
Ang mga dinala sa ospital ay may kasong tulad ng matinding pananakit, pagkawala ng malay, at laceration sa noo.
Upang maging epektibo ang serbisyo, nag-deploy ang PRC ng 57 ambulansya, 19 service vehicles, 3 rescue boats, 225 first aid stations, at 722 tauhan (80 staff at 642 volunteers).
May malawak na coverage ang PRC na may mga estasyon sa 22 chapters, 87 simbahan, 38 highway points, 19 beaches, 16 seaports, 13 pilgrimage sites, at iba pang mahalagang lokasyon.