Nakipag-alyansa ang Philippine Red Cross sa iba’t ibang organisasyon sa Pilipinas bilang paghahanda sa anumang emerhensya na tumama sa bansa.
Ito ay bilang bahagi ng paggunita ng National Blood Donor Month ngayong buwan upang paghandaan ang panahon ng kalamidad at sakuna.
Nanguna sa naging seremonya ay sina PRC Secretary-General Dr. Gwen Pang at PRC Rizal Chapter Board Member Anson Ong.
Kabilang sa pumirma sa Memorandum of Agreement ay ang kinatawan ng 19 na mga organisasyon at institusyon maging ilang ahensya ng lokal na pamahalaan ng Parañaque City.
Sa isang pahayag sinabi ni PRC Chairperson at CEO Dick Gordon, na mahalaga ang pakikipatulungan sa iba’t ibang organisasyon dahil prone ang Pilipinas sa disaster.
Batay sa napagkasunduan, ang mga hospital at medical group ay magpapadala ng mga kinatawan o personahe na siyang tutulong sa PRC tuwing reresponde sa mga malawakang sakuna.