Lalo pang paiigtingin ng Philippine Red Cross ang pagtugon sa panahon ng sakuna at kalamidad sa bansa.
Ito ay sa tulong ng kanilang mga upgraded na volunteer emergency response vehicles.
Ayon sa ahensya, ito ay bilang tugon na rin sa direktiba ni PRC Chairman Richard Gordon na palakasin pa ang kapasidad ng PRC sa pagresponde tuwing mayroong emerhensya at kalamidad.
Sinabi ng PRC, na aabot sa 13 volunteer emergency response vehicles na in-upgrade ng PRC National Headquarters ang ibibigay sa mga chapter nito sa may bahagi ng Mindanao
Ito ay mayroong bagong feature katulad ng Public Address System, Early Warning Light, Blinker, GPS na konektado sa kanilang Operations Center.
Meron rin itong maliit na megaphone na magagamit ng mga volunteer sa kanilang pagresponde sa emerhensya.
Batay sa datos ng PRC, makakatanggap ang ng upgraded na volunteer emergency response vehicles ang mga lugar na kinabibilangan ng Agusan del Norte, Bukidnon, Cotabato City, Davao City, Davao del Sur, Gingoog City, Iligan City, Lanao del Sur, Sultan Kudarat, Sulu, Surigao del Norte, Tawi-Tawi, at Zamboanga City.