-- Advertisements --
Wala pa ring patid ang pagbibigay ng Philippine Red Cross ng libreng bakuna kontra tigdas sa mga bata mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ito ay bilang tugon ng naturang ahensya sa naganap na measles outbreak sa naturang rehiyon.
Batay sa datos ng PRC, nadagdagan pa ng aabot sa 194 na mga bata ang nabakunahan kontra tigdas at patuloy pa itong nadaragdagan.
Pumalo naman sa mahigit 22,000 ang bilang ng mga batang may edad anim na buwan hanggang 10 taon ang naturukan.
Ang datos na ito ay naitala mula Abril 1 hanggang Mayo ng kasalukuyang taon.
Paliwanag ng PRC, mahalaga ang pagpapabakuna dahil na rin sa pabago bagong panahon at upang makaiwas sa anumang uri ng sakit.