Inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) na pinag-iisipan nila ang pagtanggap ng vaccination card sa halip na reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test o certificate of quarantine para sa mga examinees at personnel.
Sinabi ni PRC Chairperson Teofilo Pinaldo Jr. na nakikipag-ugnayan ang Komisyon sa Department of Health at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para amyendahan ang joint administrative order na tumanggap ng vaccination card sa halip na COVID-19 test o certificate of quarantine.
Hinimok ni Pilando ang mga examinees at personnel na magpabakuna dahil isa ito sa mga kinakailangan ng PRC at IATF-EID.
Nagsusumikap ang Komisyon na mahigpit na ipatupad ang mga protocol sa kalusugan at kaligtasan sa panahon ng paghahanda, pangangasiwa, at mga aktibidad pagkatapos ng eksaminasyon upang mabawasan ang panganib sa mga pagsusulit, tauhan, at lupon.
Binanggit niya na sumusunod din ang PRC sa mga iniaatas na ipinapatupad ng local IATF at local government units.