Agad na sumabak sa pagre-rescue ang Philippine Red Cross Emergency Response Teams, ilang sandali matapos dumating sa Brgy. Del Rosario Zone 6, San Fernando, CamarinesSur.
Gamit nila ang mga rubber boats at 6 x 6 rescue trucks. Kabilang sa mga na-rescue ang isang buntis na kabuwanan na at malapit nang manganak at isang sanggol.
Tinawid ng mga rescuers ang napakahirap na limang kilometrong layo ng baha na umaabot hanggang sa balikat o halos 5 feet.
Tanging ang mga 6×6 trucks lang ng PRC ang nakapasok sa San Fernando to Milaor Road patungong Naga.
Nakaharang din kasi ang halos 500 metrong haba ng pila ng mga sasakyan na nalubog sa baha patungong Naga.
Nananawagan si PRC Chairman Dick Gordon sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno at mga mamamayan na maaaring magtulong tulong upang itulak ang mga nakaharang na sasakyan nang tuluyang makadaan ang mga rescuers at rescue vehicles at mapaabot ang tulong sa ilan pang komunidad na nangangailangan dahil sa pinsalang dulot ng bagyong Kristine.