-- Advertisements --

Hindi pa rin tumitigil ang Philippine Red Cross sa paghahatid ng tulong sa mga pamilya at indibidwal na naapektuhan ng nagpapatuloy na pag-aalburoto ng Mt. Kanlaon.

Batay sa datos ng PRC, as of June 7, umabot na sa 1,163 individuals ang kanilang hinatiran ng mainit na pagkain mula sa sa mga bayan ng Carlota, La Castellana, at Bago City.

Naka standby din aniya ang kanilang karagdagang 2 na food truck na nagmula pa sa Cebu at Iloilo.

Nasa byahe na rin ang isang water tanker patungo sa La Carlota, Negros Oriental a upang magbigay ng malinis na tubig.

Dala nito ang aabot sa 10,000 liters ng tubig na nagmula sa Regional Warehouse at Logistics Hub sa Mandaue City sa Cebu para maibigay sa mga residenteng apektado.