Siniguro ng Philippine Red Cross na magpapatuloy ang kanilang suportang ibibigay sa National Kidney and Transplant Institute.
Ito ay matapos dagsain ang naturang opsital ng mga pasyenteng may Leptospirosis dahil sa pagtaas ng kaso nito.
Sa isang pahayag, sinabi ni PRC Chairman at CEO, Richard Gordon, nagdeploy ito ng 15 member Medical Corps at Nursing team sa National Kidney and Transplant Institute.
Namahagi rin ang PRC ng mga doxycycline para sa mga pasyenteng may Leptospirosis.
Target naman ng PRC na mag deploy ng mga volunteer sa iba pang ospital katulad ng San Lazaro dahil sa inaasahang pagdagasa rin ng mga pasyente doon.
Ito ay binubuo ng mga nursing staff, dialysis technicians habang maglalagay rin sila ng mga hospital beds at mga medical beds kung kakailanganin.